FINALLY, inilantad na rin ni Sofia Andres ang kanyang baby girl, ang first born nila ni Daniel Miranda.
According to Sofia, six months siyang nag-stay sa Australia after taking a break from showbiz. Hindi niya kinaya ang toxic sa entertainment industry kaya nagdesisyon siyang umalis muna.
Sa vlog ni Claudia Barretto, nag-share siya ng ilang details about it, “I took a break from showbiz because I don’t know if I should say this but I think it was a bit toxic for me and because of what happened with my love team and the bad blood with the press.
“I can’t say that I’m an introvert. They would always say ‘you can’t say that because you’re in showbiz. You have to be a people person’,” Sofia said. Nahirapan daw siyang ma-meet ang expectations ng public.
“And with that, it drains me. I like acting. I love it so much. But sometimes, it’s the environment. I don’t know. Parang hindi ko alam kung paano ko siya iha-handle ng maayos.
“That’s why I always ask my co-workers na ‘How do you do it?’. Honestly ‘yung personality ko. I wanna talk to you it’s just that I don’t know how to talk to you,” she added.
Hindi naging madali kay Sofia ang buhay sa Australia lalo pa’t hindi niya kasama ang ina, “I learned a lot. Natutunan ko kung paano maging independent.
“For me, it was hard to be independent because my mom was always there for me. Even at work, she’s there, in everything she’s there,” Sofia said.
* * *
Maraming natuwa kay Buhay Partylist Rep. Lito Atienza at sa anak niyang si Kim Atienza dahil sa matapang niyang pagpuna sa hearing para sa prangkisa ng ABS-CBN.
Tweet ni Kuya Kim para sa kanyang ama, “Proud of you pops. Thank you,” na umani ng libo-libong likes sa Twitter.
Pinag-usapan sa social media ang pagsasalita ni Rep. Atienza sa Kongreso noong Miyerkules matapos sabihing parang nangingisda lang ng pruweba ang mga tutol sa franchise renewal ng ABS-CBN.
“After 7 hearings, wala pa po silang napapatunayan. Humihingi sila ng records, meaning they are on a fishing expedition,” aniya.
Ibinahagi niya rin ang obserbasyon ng mga tao na tila paulit-ulit lang daw ang ibinabatong isyu sa ABS-CBN, dahil lahat naman daw ay nasagot na rin ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
“Ang tanong sa akin sa labas, gano’n lang palagi. ‘Kayo ba ay talagang desidido kayong huwag bigyan ng prangkisa?’ Sabi ko, ‘Bakit gano’n ang impression ninyo?’ ‘Eh napapanood po namin.’ ‘Yung paratang ng isa ay paulit-ulit na hindi binabago bagamat nagsasalita na ang awtoridad.”
“Ang hinihingi ko lang, take better control of the proceedings. This is a committee of 305 members of Congress duly elected by the people,” dagdag niya pa.
Sa huli naman hiniling niya na sana tingnan din ang kontribusyon ng ABS-CBN sa bansa sa paglitis ng prangkisa ng network.
Humanga ang netizens sa mga punto ni Rep. Atienza dahil sila raw mismo ay sang-ayon sa mga sentimyento ng congressman.
“Sana laging nasa listahan ng interpolators si Mr. Lito Atienza. Kitang-kita na nagulat ang Kongreso sa matatapang niyang salita,” sabi ng netizen na si @doppleganger 416.
“Tama lang na nandigan si Cong. Lito Atienza laban kina Marcoleta at Remulla. Para sa publiko, inaasahan namin ang hearing na suportado ng mga pruweba, hindi sariling interpretasyon ng kung sino man,” tweet naman ni @lologabemman.
“Nasa lugar ang pagsita ni Lito Atienza kay Marcoleta sa panggugulang niya. Ilang araw nang gumagamit si Marcoleta ng mga salitang nang-aakusa sa ABS, at tinawag pa silang sinungaling,” sabi naman ni @anjpessumal.
Bukas magaganap ang susunod na hearing para sa prangkisa ng ABS-CBN.