Dating publicist ni Mega nag-sorry na, pero sigaw ng Sharonians: Ituloy ang demanda!

SHARON CUNETA

SHARON Cuneta, it seems, is bent on teaching our senior colleague Ronald Carballo a very painful lesson.

Miffed over Ronald’s online post sa kanyang Facebook account na idinaan niya sa blind item, nakarating na kay Sharon ang paninira ng dati niyang publicist.

Mahaba ang aria ni Sharon kay Ronald.  In fact, she even reacted on his “Kung matino ka, di ka nanira ng pagkatao at buhay ng may buhay, di ka dapat matakot sa libel case.  Be a responsible journalist.”

‘Yan kasi ang naging reaction  ni Ronald sa guilty verdict kay Maria Ressa recently for a cyberlibel case.  

“Whaaaa…??!!! At IKAW PA ang malakas ang loob magsabi nito ha! Samantalang MALINAW NA PANINIRANG PURI ANG PINAGGAGAWA MO SA AKIN. YOU DELETED YOUR VICIOUS, TOTALLY UNTRUE POSTS ABOUT ME. WHY???!!! Don’t worry. You see, my Sharonians are smart. NOW I HAVE SCREENSHOTS OF YOUR POSTS. At naku. May malaki kang pagkakamali…

“SA AKIN MORTAL SIN YUN…DINAMAY MO ANG MGA ANAK KONG WALA NAMANG GINAGAWANG MASAMA SAYO DAHIL SA GALIT MO SAKIN? TSK…TSK…TSK…NOW YOU’VE ASKED FOR WAR.

“OH NO, RONALD C. CARBALLO…I WILL EXHAUST EVERYTHING IN MY POWER TO GIVE YOU EXACTLY WHAT YOU DESERVE… PANGALAN AT REPUTASYON KO ANG MATAGAL MO NANG SINISIRA… Mukhang mabi busy ako… You asked for it! And maybe you still remember… I NEVER FORGET.”

That was Sharon’s reaction sa post na ‘yun ni Ronald.

Easily, it can be deduced that she is preparing for a legal battle against her former publicist.

Nag-sorry naman si Ronald kay Sharon sa kanyang Facebook account, “PATAWAD, SHAWIE…Linggo ng gabi. Ayoko nang paabutin pa ng isang susunod na umaga pa uli, na masamang-masama ang loob sa akin ng kaibigang SHARON CUNETA.

“Habang ako’y di makatulog, nasasaktan din at puno ng pag-aalala sa idinulot kong sakit sa kanyang kalooban.

“Nagkamali ako. Buong pagpapakumbaba, gusto kong humingi ng tawad kay Sharon; sa kanyang buong pamilya; sa kanyang mga tagahanga at sa lahat ng tulad kong nagmamahal sa kanya.

“Nasaktan din ako sa mga nagdaang taon ng aming paghihiwalay bilang magkaibigan dahil sa mga hindi pagkakaunawaan, dulot ng mga paninira at intriga.

“Kaya humantong sa ganito. Pero hindi na mahalaga ang nakaraang yun.

“Nagkamali ako. Sa tulong ng mahabang pagdarasal, at sa payo na rin ng aking Nanay na 80-years old na mahal na mahal si Sharon, mula sa kaibuturan ng aking puso, kailangan kong humingi ng tawad kay Sharon.

“Mula sa maliit na hinampo, di ko rin mapapatawad ang sarili ko kung habang buhay na lang kaming magkakasakitan at hindi na magkakaunawaan kailanman. Hindi na kami mga bata. Lalo ako.

“May mga karamdaman na rin ako at inopera na ko sa puso. Hindi ko na kakayaning mabuhay araw-araw nang may damdaming sinasaktan.

“Buong pagpapakumbaba, patawarin mo ko, Shawie. Sana makarating sa puso mo ang taus-puso kong paghingi ng tawad.

“Kung anuman ang pwede kong gawin para mabawi ang mga panahong nasayang sa pagitan nating dalawa, ay nakahanda akong pagsikapang muling buuin.

“Mahal na mahal kita, Shawie…mula 1981 na sabay tayong nagsimula sa pelikula–hanggang ngayon. Patawarin mo ko.”

His letter of apology is a very long one but the fans of Sharon felt it was bereft of sincerity.

“WALANG NANINIWALA!!!… NATAKOT LANG. SIYA dahil lumabas ang pagka-DRAGON ni Sharon.”

“So sinetch ngayon ang PLASTIC? Hindi eto ang natural at norm nya. Acting lang etetch. Devah Tomashiwa Dumapit? Babalik at babalik yan sa dati nyang “old self””

“It’s too late. Di naman yan sincere.”

“No sincerity. This is fake!!! Uma-acting. Ginamit na nman si Lord.”

“Ngayon patawad. sobrang grabeng paratang mga sinabi nya. saka di lang yun isang post. andami nun. pati ABS at iba pang celebrities ginanun niya, may Catriona Gray pa nga eh. ngayon bait-baitan.”

“The damage has been done! Ngayong pinansin sya tsaka sya maggaganyan. Such a loser! Well, sana lang totoong galing sa puso nya yang pagsisisi nya dahil kung hindi uulitin lang nya yung mga kadimonyohan nya.”

 

Read more...