Pekeng Mommy Pinty at Mommy Divine nagtarayan; Sarah, Toni nadamay

LAUGH kami nang laugh sa palitan ng salita ng parody accounts nina Mommy Pinty at Mommy Divine.

It all started when Alex Gonzaga greeted her sister Toni Gonzaga for her wedding anniversary  kay Paul Soriano.

“Happy Anniversary PAULTIN!!! Thank you for giving us Seve.  Please give us quaranTINA ang baby nagawa hopefully ngayong ecq.  Love you both,” tweet ni Alex.

Dito na umeksena ang parody accounts nina Mommy Pinty at Mommy Divine.  Ang una ay ang madir nina Alex at Toni and the latter is the mom of Sarah Geronimo.

Kilala ang dalawa bilang super protective moms sa showbiz, si Mommy Pinty kina Alex at Toni Gonzaga at si Mommy Divine naman kay Sarah Geronimo.

Kaaliw ang exchange of  tirades nila.  Talagang laugh kami nang laugh as they traded barbs on Twitter.  Kahit na alam mong hindi naman talaga sila ang nagbabangayan sa social media ay may hatid pa ring aliw ang palitan nila ng tarayan.

Mommy Pinty: Happy anniversary, kelan ba masusundan si Seve?

Mommy Divine:     Pag nabuntis ka pa.

Mommy Pinty:  Magpapabuntis lang ako pag bumalik na si Sarah sa bahay ninyo.

Mommy Pinty:  Hindi nakakaunlad ang inggit…matamaan na ang matamaan, kaya WAG AKO!      

Mommy Divine:  Naku Pinty itulog mo na yan at sasali ka pa sa vlog ng anak mo.  You know. Extra kita hahaha!

Mommy Pinty: Kesa sa WALANG KITA tulad mo kase WALA NANG ANAK.

Mommy Divine:  I have a farm.

Oh, ‘di ba nakakaaliw ang palitan nila ng salita.  Ang witty ng gumawa ng parody account nila, ha.

Teka, mag-react kaya rito sina Mommy Pinty at Mommy Divine.  Masyado silang pinaglaruan dito.

Any comment, Mommy Pinty and Mommy Divine?

Read more...