Roque ayaw sa PhilHealth top post: ‘Demotion ‘yan’

Roque

“DEMOTION po ‘yan. I’m not interested.”

Ito ang sagot ni presidential spokesperson Harry Roque sa tanong kung tinatarget niya ang posisyon ni Ricardo Morales na presidente ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa briefing na ipinalabas sa TV kaninang umaga, ipinunto ni Roque na siya ay isang miyembro ng Kabinete kaya demosyon kung ilalagay siya sa PhilHealth.

Matatandaang nagkasagutan sina

Roque at Morales kaugnay sa nais ng PhilHealth na ipagpaliban ang implementasyon ng Universal Health Care Law dahil sa nagbabantang budget deficit bunsod ng pandemya at korupsyon sa ahensya.

Sinabi ni Roque na kung hindi kaya ni Morales na ipatupad ang batas ay dapat na itong bumaba sa puwesto.

Idinagdag niya na nagbubulag-bulagan si Morales sa mga anomalya sa ahensya.

Read more...