Pulis patay makaraang makipagbarilan sa riding in tandem

PATAY ang isang police official samantalang malubhang nasugatan ang isa pang pulis matapos silang makipagbarilan sa riding in tandem na kanilang sinita dahil walang suot na helmet sa Parañaque City.

Dead on arrival sa San Juan De Dios Hospital ang biktima si Police Lt. Armand Melad, 41, ng  Block 17 Lot 5 Phase 3 North Matrix Ville, Camarin Caloocan City at nakatalaga sa Paranaque City Police.

Ginagamot naman sa nabanggit na ospital ang tauhan nitong si PCpl Allan Baltazar, 31, ng #817 Allanigue St. Brgy. San Antonio Valley 1, Parañaque City.

Dead on arrival din sa Ospital ng Paranaque ang isa sa mga suspek na nakilalang si Moamar Sarif, 31, ng J. Gabriel St., Brgy. Baclaran.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nangyari ang insidente alas-9:45 ng gabi sa panulukan ng Unida at Dimasalang Sts., Brgy Baclaran, Paranaque City.

Read more...