HALOS 2,000 ang nadagdag sa bilang ng taxi cab at Transport Network Vehicle Services (TNVS) units na pinayagang bumiyahe ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon sa LTFRB, 22,230 TNVS units at 19,409 na taxis ang pinayagan na nitong bumiyahe.
“Sa pagbalik operasyon, ipinagbibigay alam ng ahensya na walang taas-pasahe para sa mga aprubadong taxi at TNVS units, at cashless na transaksyon lamang ang papayagan bilang paraan ng pagbabayad. Dagdag pa rito, kinakailangang magsuot ng facemask ang mga pasaherong sasakay sa mga nasabing units,” saad ng LTFRB.
Makikita ang listahan ng mga pinayagang bumiyahe rito:
MOST READ
LATEST STORIES