7 huli sa ilegal na sugal

PITO ang naaresto dahil sa pagsusugal sa magkahiwalay na operasyon ng Quezon City Police District.

Nahuli ng La Loma Police sina Richard Burac, 45, Noime Nerbes, 37, Marvin Luceño, 26, at Dennis Burac, 24, mga taga-Brgy. Apolonio Samson, Balintawak.

Sila ay naaresto alas-2:30 ng umaga sa 1177 Old Samson Rd., Brgy. Apolonio Samson Balintawak.

Bukod sa baraha ay P480 taya, nakuhanan umano ng pitong sachet ng shabu ang mga suspek.

Naaresto naman ng Kamuning Police sa tupada sina Falconory Pelicana, 47, Ramil Atenta, 24, at Ramie Lacson, 44, ng Brgy. Central alas-10 ng umaga sa Forestry Compound, Brgy. Central.

Read more...