2 huli sa baril at patalim

Jail

ARESTADO ang dalawang lalaki na nakuhanan umano ng baril at patalim sa Quezon City kagabi.

Nagtangka pa umanong tumakas ang mga suspek na sina Rey Surio, 42, vendor, at Gervin Tameng, 24, taxi driver, at kapwa nakatira sa Katipunan st., Brgy. Commonwealth.

Nakatanggap umano ng tawag ang Batasan Police alas-9:40 ng gabi kaugnay ng kahina-hinalang mga lalaki na nakasakay sa motorsiklo sa Sto. Niñong Gala, Brgy. Commonwealth.

Pagdating ng mga pulis ay nagtangka umanong tumakas ng mga suspek.

Nakuhanan umano si Surio ng hindi lisensyadong kalibre .38 revolver na may limang bala at patalim naman kay Tameng.

Read more...