P8.8M shabu, mga bala, granada at pampasabog nasamsam sa buy-bust

NASAMSAM ng pulisya ang P8.8 milyong halaga ng shabu, mga bala at baril, granada at improvised explosive device sa isang buy-bust operation sa Quezon City kahapon.

Naaresto sa operasyon sina Dennis Roque, 54, Carlito Biglang Awa, 58, mga taga- Novaliches, Kenneth Maclan, 44, ng Malabon City, at Harold Villasana, 39, ng Cainta, Rizal.

Isang buy-bust operation ang inilungsad laban sa mga suspek alas-8 ng umaga sa Rockville Ave., Rockville Subd., Brgy. San Bartolome. Nakabili umano ang poseur buyer ng P7,0000.

Nang maaresto, nakuhanan pa umano ang mga suspek ng 1,300 gramo ng shabu, mga drug paraphernalia, pitong baril dalawang replica at isang Roni Kit accessory para sa kalibre .45 pistola, iba’t ibang bala, 13 patalim, apat na rifle grenade, remote blasting machine, mga baterya at apat na whistle bomb.

Read more...