Traditional jeepney bibiyahe na rin bago matapos ang buwan

Jeepney

MAKAKABIYAHE umano ang mga tradisyonal na pampasaherong jeepney bago matapos ang buwan.

Sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board chairman Martin Delgra III na hindi pa rin nagbabago ang kanyang naunang sinabi na papayagan ding bumiyahe ang mga traditional jeepney.

“Within the month makakabiyahe po sila, inaayos na po natin yung kanilang magiging ruta,” ani Delgra.

Unang pinabiyahe ang mga tren, point-to-point buses, at city buses.

Ngayong araw ay nagsimula ng bumiyahe ang mga modern jeepney.

Binabalangkas na rin umano ang guidelines para sa pagbiyahe ng mga provincial buses.

Read more...