P6.8M shabu nasamsam, 3 arestado

SHABU BUY BUST

NAGKAKAHALAGA ng P6.8 milyong shabu ang nasamsam sa buy-bust operation sa Quezon City kahapon.

Naaresto sa operasyon sina Datu Boy Nasser, 26, ng Molino IV, Bacoor City, Norhana Nasser, 20, at Said Ampakay, 23, ng Napindan, Taguig City.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Eastern District Office at Station Drug Enforcement Unit ng Masambong Police ala-1:45 ng umaga sa Mindanao Ave., tapat ng Veterans Memorial Center, Brgy. Bagong Pag-Asa.

Nang maaresto ay nasamsam umano sa mga suspek ang dalawang plastic bag na naglalaman ng 1 kilo ng shabu.

Read more...