ISA sa hot and trending topic sa social media hanggang ngayon ang paglalahad muli ng dating VJ at co-host ni Willie Revillame sa Wowowee na si Kat Alano tungkol sa panggagahasa sa kanya.
In a series of tweets, ikinuwento niya kung paano nangyari ang sexual assault sa kanya ng isang celebrity na hindi niya pinangalanan pero tinawag niya itong #rhymeswithwrong.
“When I was raped by #rhymeswithwrong, still famous celebrity who had smear campaigns to destroy my career and raped many more, I was wearing a t-shirt and jeans. He drugged me too, so trying to take my jeans off was difficult for him. Hard to rape an unconscious person in jeans. #HijaAko,” simulang tweet ni Kat.
Kasunod nito ay nag-post din siya ng mensahe sa mga natuwa raw sa kanyang pagbagsak, “And for all those who bashed me and enjoyed my downfall, I still stand by my truth. That man is a serial rapist. And #RapeisRape, #HijaAko.”
Comment naman ng ilang netizens ay kung bakit hindi raw siya nagsampa ng reklamo noong ma-rape siya. Sagot ni Kat, may tiyuhin daw si #rhymeswithwrong na “right-hand man” ng former President.
“BTW, for everyone asking why I never filed.His uncle made sure that all cases against him would be dismissed. I found this out first hand. Also they have been waiting to file a case against me to silence me & discredit me in the media, knowing I could never get justice by filing,” aniya pa.
Sa isa pa niyang post sa Instagram recently, pinasalamatan niya ang lahat ng nakakaintindi sa kanya at nagbigay ng encouraging words.
“Say it loud. Say it now. Thank you to everyone who has [shown] support. I can’t explain how it feels to know that people finally understand,” she said.
Sa comment section ng Twitter account ni Kat ay matapang na pinangalanan ng mga netizens ang mga tinutukoy ni Kat na cebrities including the “right-hand man” daw at pati ‘yung former President.
Kasabay nito, naging trending topic naman sa Twitter ang pangalang Vhong Navarro na itinuro ng mga netizen na umano’y siyang tinutukoy ni Kat.
Personally, we still remember yung unang beses na maisalaysay ni Kat sa publiko ang nangyari sa kanya was during her interview sa radio program ni DJ Mo Twister.
That time, may malaking isyu noon tungkol sa rape case na isinampa ni Deniece Cornejo laban sa komedyante at TV host na si Vhong. Na-dismiss ang kaso at inabswelto ng Department of Justice ang comedian.
Habang sinusulat namin ang balitang ito, wala pang reaksyon si Vhong sa pagkakadawit ng name niya sa issue ni Kat Alano. Ilalabas namin agad sakaling magbigay na ng kanyang official statement ang komedyante.