Bea Alonzo, Vico Sotto pinagtagpo...pero itinadhana nga ba?  | Bandera

Bea Alonzo, Vico Sotto pinagtagpo…pero itinadhana nga ba? 

Julie Bonifacio |June 22,2020
facebook
share this

Bea Alonzo, Vico Sotto pinagtagpo…pero itinadhana nga ba? 

Julie Bonifacio - June 22, 2020 - 08:29 AM

BUMAHA ang comments and replies sa ipinost ni Bea Alonzo na piktyur niya kasama si Pasig City Mayor Vico Sotto sa Instagram.

     Ang photo nina Bea at Vico ay kuha  nu’ng i-turnover ng Team I AM HOPE ang donasyon sa Pasig City partikular na sa mga manggagawang nawalan ng kita dahil sa COVID-19 pandemic.

    Isa si Bea sa founder ng I AM HOPE  organization na nangangalap ng donasyon para itulong sa ating mga kababayan na nangangailangan lalo na ang mga frontliners.

     “Team I AM HOPE went to Pasig this afternoon to turnover relief bags and disinfectants for the frontliners. Thank you, Mayor Vico Sotto and Cong. Roman Romulo, for your time,” caption ni Bea sa kanyang IG post.

      Itinaon daw talaga na ibigay ang donasyon ng I AM HOPE sa mga  Pasigueños  noong Linggo, ang araw ng selebrasyon para sa mga dakilang ama.

    “In line with Father’s Day, we intend to celebrate the fathers who choose to serve the community by cleaning the streets and picking up our garbage. MARAMING SALAMAT PO sa mga tatay na street sweepers at garbage collectors sa pagtulong sa ating kumunidad at sa pagtatrabaho ng marangal para sa kanilang pamilya,” ani Bea.

    Kasunod ng caption ay ang pagbati ni Bea ng “Happy Father’s Day” sa mga taga-Pasig.

    Ilang oras pa lang mula nang i-post ng aktres ang litrato nila ni Vico, libu-libo na ang nakuha nitong likes at comments. May mga gumamit pa ng hashtag “BeVico”, “ViBe” at “BeyVico” na pinagsamang pangalana nina Bea at Vico.

    “Mapapakanta ka na lang talaga ng ‘baby you’re my destiny, you and  i are meant to be. #BeVico!”

    “#BeVico for the win! Pahiram ng linyahang Popoy  (pangalan ni John Lloyd Cruz sa movie nila ni Bea, ang One More Chance at A Second  Chance) kahit ngayon lang.”

    “Hala baka madiscover ni Mayor (Vico) na need na pala nya magka GF..at ung dating Binibining Pasig  e maging first lady ng Pasig….bagay tlaga kyo!”

    “Dahil dyan ang tawag na natin kay Bea ay Mayora.”

Yan ang ilan sa mga comments ng IG followers ni Bea.

   May follower din si Bea na nagsabing nasa IG Story din daw ni Mayor Vico ang pagkikita nila ng dalaga at nagpasalamat sa natanggap na donasyon, “Thank you for helping and congrats for the success of  I Am Hope.”

   Narito naman ang ilan sa nga komento ng followers ni Vico.

    “Naku mas masaya  kung may kasamang dinner date  with Bea ang thank u. Sana yayain mo siya  ng dinnet date.”

    “Sana kayu na lang ni bea  mayor. Bagay kayo.”

    Malamang okey na okey din sa ina ni Vico na si Coney Reyes si Bea for his son. Nagkatrabaho na sina Coney at Bea sa pelikulang “Four Sisters And A Wedding.” 

    Habang naririnig naman namin ang ama ng alkalde na si Bossing Vic Sotto na nagsasabing, “Pweedeee!”

    Remember, naging leading  lady  ni Vic si Kristine Hermosa sa fantasy-comedy movie na “Okay Ka, Fairy Ko” na naging misis eventually ng anak niyang si Oyo Sotto.

     At naging leading lady din ni Vic  si Bea sa isang pelikula ng Star Cinema kaya malay natin si Vic pala ang “lucky charm” ng mga anak niyang lalaki sa mga mapapangasawa nila?

   

                                        

 

    

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

   

                    

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending