HINDI lang ang mga estudyante ang dapat na turuan ng Department of Education sa distance learning kundi maging ang mga magulang.
Ayon kay Rizal Rep. Fidel Nograles dapat ay magabayan din ang mga magulang sa pagbabagong gagawin sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
“Since parents will be de facto teachers under the distance learning method, I hope the DepEd has also considered teaching the parents so they are aware of their roles under the new system,” ani Nograles.
Ayon sa Department of Education mahigit 11 milyong estudyante ang nag-enroll para sa School year 2020-21.
Sa bilang na ito, 10,941,619 ang nag-enroll sa public school at 355,045 sa pribadong paaralan.
“Turuan din natin ang mga magulang na magsisilbing bagong guro. How do they engage their kids, paano nila magagabayan para tutok sa pag-aaral ang mga anak nila?” tanong ni Nograles.
Sinabi ni Nograles na madaragdagan ng malaki ang papel na gagampanan ng mga magulang sa pag-aaral ng kanilang mga anak sa bagong pamamaraan na gagamitin.
“Napakahalaga na magkaroon ng support mechanism ang mga magulang para sa mga hamon na haharapin sa pag-aaral ng mga anak nila. Magiging susi ito lalo na sa mga maliliit na pamilya kung saan nagta-trabaho ang magulang at walang maiiwan para bantayan ang bata,” saad ng solon.
“Now’s as good a time as any for the children to learn to become more resourceful. Turuan natin sila para maging maalam sila sa buhay. Pagluluto, pag-aalaga ng halaman, kahit pa pag-tugtog ng musical instrument—malaki ang maia-ambag ng mga ito sa overall development ng mga bata.”
30
No Matter How Bad Yesterday Was,
It Is Now Part Of The Past