Pia Wurtzbach inggit na inggit nga ba kay Bea Alonzo? 

NAIINGGIT o may kinikimkim bang galit si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach kay Bea Alonzo?

Sabay na nagsimula sa mundo ng showbiz ang dalawang Kapamilya stars ilang taon na ang nakararaan. 

Magka-batch sila sa Star Magic ng ABS-CBN at nagkasama pa sa youth-oriented show noon na K2BU together with other Kapamilya young and new talents.

Alam naman ng lahat na mas naunang sumikat si Bea kesa kay Pia. Nagsunud-sunod ang malalaking projects ni Bea sa Dos at Star Cinema habang nag-focus naman si Pia sa pagsali sa mga beauty pageants.

Malaki na ang pangalan ni Bea sa larangan ng pag-arte nang manalong Miss Universe si Pia na siyang naging daan para makilala siya sa buong mundo (the universe rather).

Kaya sa nakaraang virtual interview na in-organize ng The Philippine Pageantry, isa sa mga naitanong kay Pia at kung may pagkakataon bang nainggit o nagalit siya noon kay Bea dahil iniwan daw siya nito nang milya-milya bilang aktres.

“Merong parang impression ‘yung mga tao that I was jealous, parang galit ako sa kanya.

“Pero, hindi. Hindi. Honestly, ha. Ang tagal na rin, at wala na akong dahilan para mambola pa. Magaling talaga siya, e. Hindi ko kaya ‘yun. Iyon ‘yung galing niya,” pahayag ni Pia.

Aminado ang beauty queen-actress na wala na silang communication ni Bea pero willing siyang makipag-reconnect sa dalaga.

“Now, siyempre hindi ko na siya nakakausap. Naghiwalay na ‘yung mga path ng buhay namin. I saw her at the Star Magic Ball very briefly, but I didn’t get to come close and say hi to her,” paliwanag ni Pia.

“I would like to say hi and speak with her and reconnect again, if she’s up for it,” aniya pa.

Kung matatandaan, nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng dalawang Kapamilya stars nang ma-link si Pia kay Gerald Anderson na boyfriend naman noon ni Bea. 

Read more...