DALAWANG parangal ang tinanggap ng singer-actor na si Ronnie Liang mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang isang frontliner.
Dahil sa kanyang kabayanihan sa panahon ng pandemya, kinilala ng Philippine Army ang pagiging army reservist ni Ronnie na mas piniling maglingkod sa bayan kesa manatili lang sa kanilang tahanan.
Tinanggap ng singer-actor ang Meritorious Achievement Medal at Disaster Relief Rehabilitation Operation Ribbon sa ginanap na 44th Founding Anniversary celebration of the Armor Division kamakailan.
Ipinost ng binata ang kanyang award sa Instagram at nilagyan ng caption na, “I will always be grateful for these awards and may it remind me to always pay it forward.
“It’s a humbling experience to be doing this alongside the generous and selfless men anf women of Philippine Army. Saludo ako sa inyo. Mabuhay tayong lahat,” mensahe pa ng isa sa mga celebrity na maituturing na rin ngayon bilang bagong bayani.
Very active ang binata sa mga relief mission at charity projects ng Philippine Army ngayong panahon ng health crisis. Isa sa mga naka-assign sa kanya ay ang mag-escort sa mga medical workers patungo sa mga hospital at medical facility habang ipinatutupad ang community quarantine.
“I want to help, contribute, and be part of the solution in fighting against COVID-19, while preserving our force by serving those who served.
“Let’s unite against a common, invisible enemy. Ito ay panahon talaga ng pagkakaisa at pagtutulungan kahit ano pang katayuan, posisyon, pananaw mo sa buhay,” ang pahayag ni Ronnie sa desisyon niyang maging frontliner habang nakikipaglaban ang buong mundo sa COVID-19.