Bangkay ng 282 Pinoy stranded sa Saudi Arabia

HINDI pa maiuuwi sa bansa ang aabot sa 282 na mga Pinoy na nasawi sa Saudi Arabia.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III na sa nasabing bilang, 50 ang nasawi dahil sa Covid-19.

Ani Bello, may utos na ang hari ng Saudi Arabia na iuwi sa Pilipinas ang mga nasawing Pinoy pero dahil sa umiiral pang paghihigpit doon ay hindi pa pinapayagan ang Pilipinas na makapagpadala ng chartered flights upang maiuwi ang mga bangkay.

Nagsabi na rin ang pamahalaan ng Saudi Arabia na kung hindi maiuuwi agad ang mga bangkay, ang 50 na nasawi sa Covid-19 ay doon na ililibing.

Ani Bello, nakipag-ugnayan na siya sa OWWA at inatasan na itong maghanda  ng dalawang chartered flights para agad mai-repatriate ang mga labi sakaling payagan na ng pamahalaan ng Saud Arabia.

Read more...