PARA sa lahat ng mga nagpaplanong maging vlogger, may ilang tips ang Kapuso actor na si
Mikael Daez para mas maging maganda ang ibabanderang video.
Sa mga aspiring YouTubers na gusto pang pagbutihin ang kanilang editing skills, nagbigay ng dalawang advice ang mister ni Megan Young.
Isa raw sa ginagawa ni Mikael ay ang manual in-camera transition kung saan pagkatapos mag-film ay dahan-dahan niyang inilalayo ang kamera mula sa subject o ang tinatawag na “panning out.”
“Ang nangyayari doon is nagkakaroon na kaagad ng transition at the very end of your video,” sabi ng “Love of My Life” actor.
Isa pang trick nito ay maghanap ng mga kakaibang anggulo na nakabibilib sa perspective ng viewers.
“If you put just a little bit of effort na, what if you put the camera at your feet or what if you put it above your head? Dapat lagi mong baguhin ‘yung angle mo,” dagdag ng Kapuso actor.
Samantala, habang tigil muna sa taping ng pinagbibidahang GMA primetime series na “Love of my Life,” aktibo si Mikael at asawang si Megan sa kanilang YouTube vlogs at podcasts at online gaming for a cause.
* * *
Kahit stuck at home pa rin, sinisiguro ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia na maging productive ang kanyang bawat araw.
Sa latest YouTube vlog ng aktres kasama ang boyfriend na si Khalil Ramos, kanilang ibinahagi kung paano nila ginagawa ang photo shoots ng dalaga sa bahay.
Ilang tips ang ibinahagi ng couple sa kanilang vlog kung saan si Khalil ang may hawak ng camera habang si Gabbi naman ang kanyang muse.
Bukod diyan, nagkaroon sila ng photo shoot sa tulong ng video-conferencing app na Zoom.
Para mapanood ang kanilang creative at-home photo shoots, bisitahin ang official YouTube channel ni Gabbi.
Samantala, kasalukuyang napapanood si Gabbi bilang Sang’gre Alena sa rerun ng “Encantadia” sa GMA Telebabad.