Rocco, Golden may pa-tribute kay tatay para sa Father’s Day: Best daddy ever! 

FATHER’S Day na bukas at dalawang Kapuso stars ang nagbigay ng tribute sa kanilang mga tatay na naging malaking bahagi ng tinatamasa nilang tagumpay ngayon.

Malaki ang ginampanang papel ng ama ng Kapuso actor na si Rocco Nacino sa paglago ng kanyang showbiz career. 

Nag-uumpisa pa lang siya noon sa “StarStruck” ay hindi na matutumbasan ang suporta na ibinibigay ng kanyang mga magulang hanggang ngayon na isa na siya sa mga pinaka-established GMA artist.

Kuwento ni Rocco, “Sa kanya ko nakuha ‘yung, ‘Experience is Everything,’ at saka ‘yung sinasabi ko na ‘You only fail if you don’t try.’ 

“So ‘yung experience ko with ‘StarStruck,’ with businesses, siya ang dahilan doon. ‘Yung push na you get from your father to say it’s okay to fail. 

“Doon ko nakukuha ‘yung lakas ng loob ko to really jump into something. At saka ‘yung mga daddy natin, best advisers din ‘yan,” pahayag ng binata.

Kaya naman, ngayong Father’s Day, gusto raw talaga pasalamatan ng “Descendants of the Sun PH” star ang kanyang daddy sa lahat ng mga tagumpay sa kanyang buhay. 

Sa kasalukuyan, bilang isang Navy reservist, ay aktibo si Rocco sa COVID-19 initiatives ng Philippine Navy para makatulong sa frontliners. 

                         * * *

Para naman sa “The Clash” Season 1 grand champion na si Golden Cañedo, espesyal ang bawat araw na kasama niya ang kanyang ama. 

“Sobrang funny po kasi ng dad ko kaya masaya lang po kami palagi sa bahay,” lahad ng Kapuso singer. 

 

Ibinahagi rin niya na ang kanyang ama ang dahilan kung paano niya nadiskubre ang hilig sa pagkanta. 

“Turo niya talaga sa akin to never stop believing in myself. Siya ang unang sumuporta sa singing career ko and siya rin ang nag-encourage sa akin na sumali sa mga singing contest kaya ko nadiskubre ang talent ko sa pagkanta,” pahayag ni Golden. 

 

Dagdag pa niya, malaking bagay para sa kanya ang pagkapanalo sa “The Clash” na nagbigay-daan sa pagtupad ng kanyang mga pangarap.

“Wish kasi talaga ng family ko and lalo na ni Papa na makasali ako sa ganoong kalaking singing contest kaya noong nanalo ako, nagbago ang takbo ng buhay namin,” aniya pa.

Read more...