NILINAW sa pagdinig ng House committee on ways and means na hindi pagbabayarin ng buwis ang mga online seller na maliit ang kita at dapat umanong tulungan ang mga ito dahil sila ang hinaharap na bubuhay sa ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng komite, dapat ay matulungan ng panukalang stimulus package ang mga online seller na nakarehistro.
“I’m glad some key issues, such as the applicability of tax exemptions and benefits for small entrepreneurs, were clarified. Personally, I’m after those who make big money, not the subsistence-entrepreneurs and small enterprises,” ani Salceda.
“In fact, I want to protect small enterprises. And I want them eligible for stimulus benefits. So, if they can be regular, registered businesses with very little regulatory costs, I am all for it. We need small enterprises to have access to our stimulus programs. They will translate the stimulus into growth.”
Sa pagdinig sinabi ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay at Deputy Commissioner Arnel Guballa ipinalabas ang Revenue Memorandum Circular No. 55-2013 upang ipaalala ang obligasyon ng mga may online business na magparehistro.
Sinabi naman ni Department of Trade and Industry Sec. Ramon Lopez na ang business registration ang susi upang maproteksyunan ang mga konsumer. Sa pamamagitan nito ay tataas din umano ang trust factor para mas maraming bumili online.
Ayon kay Lopez exempted sa pagbabayad ng buwis ang mga online seller na hindi kumikita ngP250,000.
Iminungkahi naman ni PBA Rep. Jericho Nograles na dapat buwisan din ang mga kompanya na walang opisina sa bansa pero dito nagbebenta ng kanilang produkto sa pamamagitan ng internet.
Hiniling naman ni Salceda kay Dulay kung maaaring i-waive na ang P500 business registration fee na sinisingil ng BIR sa mga nagpaparehistro.