ISANG bahay ang nasunog sa Quezon City kagabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection nagsimula ang sunog sa bahay ni Felomina Bocalvos, 71, sa no. 5 Yale st., Brgy. E. Rodriguez, alas-11:14 ng gabi.
Mabilis na nakontrol ng mga bumbero ang sunog at naapula ito alas-11:49 ng gabi.
Umabot sa P10,000 ang tinatayang pinsala ng sunog.
Walang napaulat na nasawi o nasugatan sa pangyayari.
MOST READ
LATEST STORIES