Liza, Maine, Jen, Sarah, Pia bentang-benta ang ‘kagwapuhan’ sa Face App

KASABAY ng patuloy na pakikipaglaban ng bansa sa killer virus na COVID-19, nagsisilbing pampa-good vibes ngayon ng madlang pipol ang hit na hit ngayong Face App.

Ito ang transformation app online kung saan maaaring mag-transform ang isang litrato sa girl or boy version nito.
Siguradong milyun-milyon na ang kumasa sa challenge na ito kabilang na ang mga kilalang celebrities. Ilang netizens din ang gumawa ng Face app ng kani-kanilang favorite stars na viral at trending na ngayon sa social media.

Aliw na aliw ang mga netizens sa transformation ng mga sikat nating female stars. Talagang papasa rin bilang hot and yummy hunks ang kanilang male versions.

Sa mga nakita naming Face app sa socmed, inilista namin ang Top 5 na pinakagwapong version ng mga kilalang female stars sa bansa.

Para sa amin, pasok ang Kapuso stars na sina Jennylyn Mercado at Maine Mendoza na siguradong papasa bilang Hollywood actors dahil sa astigin nilang itsura.
May mga nag-comment na kahawig daw ni Jen si Chris Evans na gumanap na Captain America sa “Avengers” habang pang-matinee idol at Prince Charming sa mga fairy tale si Maine.

Hunk na hunk din ang male version ni Miss Universe Pia Wurtzbach na pang-leading man din ang datingan. Sabi nga ng kanyang fans, pwedeng-pwede siyang maging bida-kontrabida sa teleserye at pelikula.

Bentang-benta rin sa mga netizens ang lalaking-Sarah Geronimo na tinawag nilang pang-Ultimate Leading Man dahil malaki raw ang pagkakahawig nila ng Kapamilya hunk na si Piolo Pascual.

Pero para sa amin, ang talagang winner bilang Ultimate Heartthrob sa sinasabing Face App pandemic na ito ay ang male version ni Liza Soberano.

She really nailed it. Bukod sa napakagwapo, may pagka-mysterious din ang itsura ng lalaking-Liza oozing with so much sex appeal.

Kayo, dear BANDERA readers, sino ang Top 5 n’yo sa sandamakmak na male version ng inyong favorite stars? Ilista n’yo na at ibandera sa buong universe!

Read more...