Umiwas sa checkpoint nakuhanan ng shabu, baril

Arrested

NAKUHAAN umano ng shabu at baril ang lalaki na hinabol ng mga pulis matapos umiwas sa checkpoint sa Quezon City kagabi.

Kinilala ang suspek na si Alex Alviz, 38, ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Nagbabantay umano ang mga pulis sa checkpoint sa Capitol Hills, Brgy. Old Balara, alas-10:50 ng gabi nang makita nila ang suspek na nagmamaneho ng motorsiklo.

Sa halip na dumeretso ay nag-u turn umano ang suspek. Nagduda ang mga pulis kaya hinabol nila ito.

Nakuhanan umano ang suspek ng dalawang sachet ng shabu at kalibre .22 revolver na may apat na bala.

Read more...