BIR hindi alam kung magkano na ang kinitang buwis sa online selling

Online

HINDI alam ng Bureau of Internal Revenue kung magkano na ang kinitang buwis ng gobyerno mula sa mga online business.

Sa virtual hearing ng House committee on ways and means kanina, nagtanong si ACT Rep. France Castro sa mga opisyal ng BIR kung magkano na ang nakolekta nitong buwis mula nang patawan ng buwis ang mga online sellers.

“Wala ho kasing industry code… kaya wala kaming… hindi namin ma-capture sa aming data system kung how much yung nakolekta namin,” ani BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa.

“As of now, we are working on it. Mano-mano ho kasi naming nire-retrieve pa iyong ilang….how much [ang] nakolekta namin from 2013 up to now regarding these online sellers. Kindly give us time to get the data po,” paliwanag ni Guballa.

Sinabi ni Castro na noon pang 2013 ipinalabas ang Memorandum ng BIR kaugnay ng pagpaparehistro ng mga online seller at kung kailan mayroong pandemya at limitado ang galaw ng tao ay tsaka ito magtatakda ng deadline hanggang Hulyo 31.

Read more...