Nasunugan sa Mandaluyong inulan ng ayuda

NAGBIGAY ng tulong ang ZX-Pro Technologies Corp. sa mga pamilyang biktima ng sunog sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City kamakailan.

Katuwang si dating Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, namahagi ang kumpanya ng tig-P1,000 cash sa 1,382 na pamilya na may kabuuang P1,382,000 sa Addition Hills Integrated School at Pleasant Hills Elementary School.

     Ang mga pamilyang naayudahan ay mula sa Blk. 30, 37, 38 sa UBAC Compound kung saan naganap ang magkahiwalay na sunog noong Hunyo 1 at 6.

    Ayon sa dating alkalde, ang ZX-Pro ang unang kumpanya sa lungsod na namahagi ng mga personal protective equipment (PPEs) para sa mga medical frontliners.

“When the COVID-19 pandemic started, the PPE supply of our hospitals was only good for one week,” aniya. “It was ZX-Pro that donated millions of PPEs to the city. Without it, the service of our medical frontliners would have been crippled.”

Read more...