6 huli sa P200K shabu

ARESTADO ang anim katao na nakuhanan umano ng mahigit P200,000 halaga ng shabu sa magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City.

Nahuli ng Talipapa Police sina Melchor Rodriguez, 48, Carmen Rempis, 41, at John Kenneth Valera, 22, ng Brgy. Pasong Tamo. Nakuhanan umano sila ng pitong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P47,600 alas-7:30 ng gabi sa Area 4 Veterans Village Brgy. Pasong Tamo.

Nahuli sa hiwalay na buy-bust operation sina Jessrel Sarco, 31, Jay Mael Moda, 21, at Jay Marie Moda, 18. Sila ay naaresto alas-11:55 ng gabi sa Camia st., Pinkian 3, Zone 1, Brgy. Pasong Tamo. Narekober umano sa kanila ang P170,000 halaga ng shabu.

Nasakote naman ng Batasan Police sa buy-bust operation sina Cesar Navares Jr., 48, Dulce Lequin, 38, Wilson Sagarino, 45, at Cedric Cortez, 26. Isinagawa ang operasyon alas-5:30 ng hapon sa 107 BNY Apartelle, Commonwealth Ave. Brgy. Commonwealth.

Narekober umano sa kanila ang P34,000 halaga ng shabu.

partelle, Commonwealth Ave. Brgy. Commonwealth.

Narekober umano sa kanila ang P34,000 halaga ng shabu.

Read more...