Megan ayaw diktahan si Lauren: Kahit nu’ng bata pa kami, ganu’n na talaga siya

MAY sarili nang isip at desisyon sa buhay ang Kapuso actress na si Lauren Young at alam na rin nito kung ano ang tama at mali.

Ayon sa kapatid ni Lauren na si Megan Young, bata pa lang sila ay talagang matapang na ang dalaga sa pagpapahayag ng kanyang saloobin at paniniwala tungkol sa iba’t ibang issue.

“Ever since nu’ng bata pa kami, ganu’n na talaga siya, she’s been very opinionated,” sagot ni Megan nang tanungin tungkol sa pagiging kontrobersyal ngayon ng nakababatang kapatid sa pa-digicon ng GMA 7 para sa kanila ni Mikael Daez via Zoom chat .

Maraming namba-bash ngayon kay Lauren dahil sa mga naging pahayag niya patungkol sa mali-maling impormasyon ni DJ Loonyo tungkol sa mass testing at tamang paggamit ng face mask.

Pero may mga kumampi naman sa kanya nang kampihan si Frankie Pangilinan sa laban nito kontra Ben Tulfo na nagsimula naman sa issue ng rape.

Ayon kay Megan, “Of course, she will talk to me about certain things but I trust na Lauren think about the things she does before she does them.

“So for me, I don’t really think I have the place to tell her na gawin mo ‘to or huwag mong gawin ‘yan kasi alam niya kung ano ‘yung mas nakakabuti para sa kanya,” aniya pa sa virtual presscon.

Chika pa ng beauty queen-actress,  “Sabi ko nga dati, everybody has a way of showing support on different things. If she feels na voicing out her opinion would be able to help other people then so be it.

“Of course, as an Ate, I will tell her that there are different ways she could approach things but si Lauren na ang bahala roon. She has her own discretion kung paano niya ita-tackle ‘yun,” dagdag pa ng misis ni Mikael.

Para naman sa brother-in-law ni Lauren, “ I agree with Megan kasi pinag-uusapan namin yan. And, if Lauren would ask me, I would gladly give her my opinion but she is her own individual.

“Hindi niya kailangan magpaalam sa amin para mag-voice out ng opinion niya and she knows my stand there. If she needs help, I will be there for her.

“But, she also knows that anything she does has consequences, sometimes they’re good, sometimes they’re bad. All you have to do is be accountable for your actions.

“If you need help, you can always give us a call,” mensahe pa ni Mikael kay Lauren.

Read more...