SUGATAN ang isang babae sa sunog na tumupok sa may 20 kabahayan sa Quezon City, Huwebes ng hapon.
Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni Margie Gimeno na inuupahan ni Maricel Refil, 30, sa 291 Sitio Basilio st., Republic Ave., Fairview. Nagsimula ang sunog ala-1:38 ng hapon.
Mabilis umanong kumalat ang apoy sa mga katabing bahay.
Nagtamo naman ng sugat sa mukha si Mary May Reyes, 38.
Naapula ang sunog alas-2:58 ng hapon. Tinatayang P250,000 halaga ng ari-arian ang nasunog at nawalan ng bahay ang may 40 pamilya.
Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog.
MOST READ
LATEST STORIES