TUMAAS ng 17 ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawa ng coronavirus disease 2019.
Ayon sa Department of Foreign Affairs 6,091 na ang kabuuang bilang ng OFW na nahawa ng nakamamatay na sakit.
Isa naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at may kabuuang bilang na itong 2,843.
Umakyat naman ng anim ang bilang ng mga nasawi na nasa 472 na.
“As countries, including the Philippines, continue to transition into the “new normal”, the DFA along with its Foreign Service Posts, assures its continued service and assistance to the Filipino people, whenever possible,” saad ng DFA.
MOST READ
LATEST STORIES