Halos 40K TNVS, taxi pwede nang bumiyahe– LTFRB

HALOS 40,000 na ang bilang ng mga taxi at Transport Network Vehicle Services (TNVS) units na pinayagang bumiyahe sa Metro Manila.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board makakabiyahe na ang 20,429 TNVS units at 19,238 taxi cabs.

“Ang pagbabalik ng mga taxi at Transport Network Vehicle Services (TNVS) units na mula sa iba’t-ibang Transport Network Companies (TNCs) ay alinsunod sa Memorandum Circular (MC) 2020-018 o ang “Guidelines for the Operations of Taxis and TNVS during the Period of GCQ,” ayon sa LTFRB.

Iginiit naman ng LTFRB na wala pinapayagang pagtaas ng pasahe.

Read more...