Umawat sa away-mag-asawa, SK chairman, tanod nasapak

NAIBUNTON sa Sangguniang Kabataan chairman at dalawang tanod ang galit ng jobless na lalaki nang pumagitna sila sa away nito sa kanyang asawa sa Pasay City kaninang umaga.

Inaresto si Rhen Jhay Cabrera, 31, residente ng Alfonso st., Brgy 123, makaraang magreklamo ang tatlong nasapak.

Base sa ulat, alas-3 ng madaling araw nang rumesponde sina SK chairman Cecilio Rosario Jr., at dalawang barangay tanod sa bahay ni Cabrera, na inabutan nilang nakikipag-away sa kanyang live-in partner.

Inawat ng tatlo ang mag-asawa ngunit pumalag si Cabrera at sinaktan ang mga opisyal ng barangay.

Nabatid na lasing ang suspek nang maganap ang insidente. Nahaharap siya sa kasong direct assault.

Read more...