Xander Ford inakusahan ng ex-GF ng pang-aabuso: Pa-victim ka, masyado kang sinungaling

MULING umingay ang pangalan ni Marlou Arizala, o mas nakilala sa pangalang Xander Ford matapos akusahan ng kanyang ex-girlfriend ng pang-aabuso.

Naging trending topic sa social media ang pangalan ni Xander at ng dati niyang dyowang si Ysah Cabrejas na buong tapanga na inilahad sa publiko ang umano’y mga pinaggagawa sa kanya noon ng ex-boyfriend.

Sa kanyang social media post, napilitan daw si Ysah na magsalita na tungkol sa nakaraan nila ni Xander dahil sa pagpapakalat nito sa madlang pipol ng mga kuwentong puro kasinungalingan.

May mga ipinakita pang ebidensya ang babae para patunayan ang kanyang akusasyon laban kay Xander, kabilang na ang ilang litrato at screenshot ng mga naging usapan nila noon.

Narito ang ilang bahagi ng pahayag ng Ysah: “Binigay ko lahat ng gusto mo pero ginago mo ko. Ayaw ko na sana mag salita pero sobra naPa-victim ka masyado, masyado kang sinungaling. 

“Palagi mo sinusumbat sakin na kasikatan lang habol ko sa’yo. Hangal ka ba? Tinaggap kita buong buo sinugal ko na lahat kasi pinili kita, pinag tanggol kita sa lahat, kasi sabi ko kahit sukuan ka ng lahat ako hindi kita susukuan pero ano ginawa mo? 

“Masyado mo kong tinake advantage hindi mo ba naisip yon? O wala ka lang talagang isip kasi sarili mo lang iniisip mo,” pahayag pa ng ex ni Xander.

Pagpapatuloy pa ni Ysah, “Bago ako sumuko nag tiis muna ako pinipilit mo’ko na may mangyari satin kahit na meron ako at kahit na ayaw ko pag hindi ako pumayag magagalit ka kaya nga ako nagka-pasa gawa mo kasi pinilit mo ko!

“Hindi ka ba naawa sakin? Umiiyak ako sa harap mo, nag mamakaawa ako sayo, na tama na ayaw ko na pero di ka nakinig sabi mo basta mabuntis kita kahit iwan mo ko okay na ko don tanga ka ba? Anong klaseng boyfriend ka? 

“Hindi lang isang beses nangyari yon! Yung una dahil lang hindi ako pumayag na sabay maligo sa’yo grabi na yung galit mo sakin,” lahad pa niya.

Pinamukha mo lang na katawan lang habol mo sakin. Binabaliktad mo ko sa lahat para ano? Para malinis image mo. Nag papaawa effect ka pa. Kahit na ako yung mas kawawa! Tinapakan mo pagkatao ko eh! Minahal kita pero di mo yun pinahalagahan. 

Lagi mo sinasabi mag babago pero hindi ka naman nag babago! Binalik mo gamit ko pero kulang tapos si Beauty (alagang pusa) ayaw mo ibalik, kasi aalagaan mo kagaya ng pagmamahal mo sakin? 

“Ulol sasaktan mo lang yan kasi ganon ginawa mo sakin! Lahat ng post mo puro paawa puro kasinungalingan kasi don ka naman magaling! Hindi ako nag papasikat o ano, gusto ko lang malaman mo/niyo yung side ko,” salaysay pa ng dalaga.

Samantala, sinagot naman agad ni Xander sa pamamagitan ng Facebook ang mga alegasyon ni Ysah.

Ayokong pagusapan ‘yung ganon ka sensitibong bagay dahil may kapatid akong babae, hindi para pagusapan ng lahat. 

“Sobrang nasasaktan ako sa nangyayare sa problema namen. Bat kami humantong sa ganto. Lahat ng nangyare samen ay hindi ko pansariling kagustuhan dahil nagsasama kami. Hindi ko alam na magagawa nya saken to.

Problema naten tayo lumutas dalawa wala silang alam at kinalaman, maraming salamat sa nakinig saken. Hindi niyo ko kailangan paniwalaan dahil nga panget ako. 

“Hindi ko magagawa sa kanya ‘yun, dahil ayokong mangyari yun sa babaeng kapatid ko. Sorry Ysah sana magusap tayo hindi dito sa social media pati mama ko di na makatulog ayusin naten to, alam kong hindi kana babalik saken kahit masaket ay tatanggapin ko,” pahayag ni Xander Ford na sumikat dahil sa pagpaparetoke niya ng mukha.

Read more...