5 kalaboso sa 2 operasyon sa QC

Arrested

KALABOSO ang lima katao na nahuli sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Quezon City.

Nahuli ng Novaliches Police Station sa buy-bust operation sina Janet Samson, 49, Daniel Santos, 50, at Myra Mallio, 33, mga residente ng Brgy. San Bartolome, Novaliches.

Sila ay naaresto alas-9:40 ng kagabi sa 1st st., Carreone Village, Brgy. San Bartolome, Novaliches. Nakumpiska umano sa kanila ang 11 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P47,600.

Inaresto naman sina Basilio Terencio, 27, at Michael Cagadas, 36, ng Brgy. Apolonio Samson, alas-3:30 ng umaga kanina sa Tabing Ilog Basketball court, Kaingin Bukid, Brgy. Apolonio Samson, dahil sa paglabag sa curfew.

Nakuhanan umano ang mga suspek ng dalawang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P3,200.

Read more...