3 huli sa P400K shabu

ARESTADO ang tatlong drug suspects na nakuhanan umano ng P408,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Quezon City kagabi.

Naaresto sina Melvin Espirito, 27, Justine Margarejo, 25, at Mielgene Eugenio, 24, mga residente ng Brgy. Pasong Tamo, alas-7:20 ng gabi sa no. 11 Espiritu Compound Pinkian 2 Brgy. Pasong Tamo.

Nakabili umano ang poseur buyer ng P7,500 halaga ng shabu sa mga suspek.

Nang maaresto ay nasamsam pa umano sa kanila ang 60 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P408,000.

Read more...