11 huli sa buy-bust, P544K shabu nasamsam

LABING-isa ang naaresto ng Quezon City Police sa isang buy-bust operation sa Taguig City kung saan nasamsam ang P544,000 halaga ng shabu kagabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina Gilbert Llames, 32, Charles Ayco, 36, Ardhee Braga, 35, Zaldy Galit, 30, Rodrigo Borromeo, 55, Geojoel Alpwacinop, 42, Kim Casuga, 24, Ryan Abucot, 24, John Paul Recede, 35, Angel Tanap, 47, at George Sali, 39, mga residente ng Bicutan, Taguig City.

Isang poseur buyer umano ang nakabili ng P100,000 halaga ng shabu kina Llames at Ayco alas-9 ng gabi sa Sto. Domingo st., Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City.

Ang iba pang suspek ay nahuli umano habang gumagamit ng shabu sa lugar nina Llames at Ayco.

Narekober din umano sa mga suspek ang 80 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P544,000, drug paraphernalia, dalawang cellphone at isang sasakyan.

May nakuha rin umanong isang sumpak at apat na bala mula kay Tanap.

Read more...