MAKIKIPAGTULUNGAN umano ang Department of Health sa isasagawang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman kaugnay ng mga anomalya at iregularidad sa paglaban nito sa coronavirus disease 2019.
“DOH Officials will willingly cooperate with the authorities to ensure utmost transparency throughout the duration of the investigation and beyond,” saad ng pahayag na inilagay ng Office of the Secretary ng DoH.
Ayon sa DoH naibigay na ang lahat ng tseke sa 32 healthcare workers na pumanaw at 10 iba pa na nagkaroon ng severe COVID-19 cases noong Hunyo 9. Ang iba pang claim ay pinoproseso na.
Itinanggi rin ng DoH na mayroon itong itinatago kaugnay ng mga hakbang na ginawa nito laban sa COVID-19 kasama na ang transaksyon nito sa pagbili ng mga gamit para sa health workers.
“The DoH likewise maintained a regular reporting of cases and deaths through its pressers, situation reports and in its tracker, publicly available in the official channels. As firm believers of transparency, the Department has likewise religiously informed the public for corrections and clarifications raised by all sectors as it continues to validate all submitted data.”
Ipinag-utos ni Ombudsman Samuel Martires ang imbestigasyon sa mga alegasyon laban sa DoH.
Nauna ng inutusan ni Pangulong Duterte ang National Bureau of Investigation para magsagawa ng imbestigasyon sa mga alegasyon kaugnay ng maanomalya umanong pagbili ng personal protective equipment, machines at testing kits.