NADAGDAGAN ng 56 ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawa ng coronavirus disease 2019, ayon sa Department of Foreign Affairs.
Umabot na sa 6,074 ang kabuuang bilang ng mga ito.
Nadagdagan naman ng 10 ang bilang ng mga OFW na gumaling sa naturang sakit. May kabuuang bilang na itong 2,842.
Ang mga nasawi naman ay nadagdagan ng 24 o kabuuang 466.
“With these developments, regional comparative data shows that Middle East remains to have the highest recorded COVID-19 cases at over 3,900 as well as highest total recoveries and total patients undergoing treatment at over 2,000 and almost 1,700 respectively,” saad ng DFA.
MOST READ
LATEST STORIES