NAGBABALA ang Social Security System sa publiko kaugnay ng mga post na mayroon umanong pa-raffle o cash bonus ang ahensya sa mga miyembro nito.
“Fake News ito,” saad ng inilabas na advisory ng SSS.
Pinag-iingat din ng SSS ang publiko sa mga online scammers o fixer na nag-aalok umano ng serbisyo kapalit ng transaction fee para sa pag-update ng member information, pagkuha ng SSS number, UMID card o Payment Reference Number, mag-apply ng pension loan at paglalakad ng claims.
“Ang mga serbisyong ito ay libre at maaari lamang gawin sa mga opisina ng SSS, sa My.SSS o SSS Mobile App. Mag-ingat din sa pagbibigay ng personal information,” saad ng SSS.
Ang publiko ay maaari umanong makipag-ugnayan sa SSS sa pamamagitan ng Facebook account nito (SSSPH), Twitter (PHLSSS), YouTube (MySSSPhilippines) Hotline (1455 or 1-800-10-2255-77 (toll free)) at Email (member_relations@sss.gov.ph, onlineserviceassistance@sss.gov.ph, at ofw.relations@sss.gov.ph )