6 huli sa P1M shabu

Jail

NAARESTO ng Quezon City Police District ang anim katao at nakumpiska ang mahigit P1 milyong halaga ng shabu sa Parañaque City.

Kinilala ang mga suspek na sina LA Belga, 26, ng Tondo, Manila, Thaya Ambalgan, 40, at Asmah Angking, 20, mga taga-Taguig City, John Paulo Belarmino, 30, at Jayson De Guzman, 34, ng La Loma, Quezon City at Leivior Medrano, 39, ng Baco st, Quezon City.

Isang buy-bust operation ang inilatag sa mga suspek al-1:30 ng hapon sa likod ng isang mall sa West Service Rd. malapit sa EDSA, Brgy. Don Bosco, Parañaque City.

Nakabili umano ng P35,000 halaga ng shabu ang poseur buyer sa mga suspek. Nang maaresto ay nakuhanan pa umano sila ng 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.020 milyon.

Read more...