P2.7M inipit sa magasin, nasabat

Dollars

AABOT sa $54,215 o P2.7 milyon na nakaipit sa mga magasin na ipinadala mula sa HongKong ang nakumpiska sa Port of Clark noong Hunyo 5, ayon sa ulat.

Hindi naman kinilala ang nagpadala at pinadalhan na kapwa Pilipino. Pinaghahanap na ang mga ito.

Base sa ulat ng Bureau of Customs-Clark, dumating ang kargamento na naglalaman ng pitong magasin sa Port of Clark noong Mayo 25.

Pinagdudahan kaagad ang shipment kaya ininspeksyon ang mga magasin.

Bumulaga sa mga inspektor ang 540 piraso ng $100 at maraming piraso ng $50, $20, $10 at $5 na nakaipit sa mga pahina.

Nahaharap sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act ang sender at receiver ng kargamento.

Read more...