Duque, iba pang opisyal at empleyado ng DOH pinaiimbestigahan ng Ombudsman

PINAIIMBESTIGAHAN ni Ombudsman Samuel Martires si Health Sec. Francisco Duque III at iba pang opisyal ng Department of Health kaugnay ng iregularidad umano sa paglaban sa coronavirus disease pandemic.

“After evaluating the initial reports that were gathered and upon the recommendation of Asst. Ombudsman Caesar D.  Asuncion, Asst. Omb. Joselito P. Fangon, and Asst. Omb Jose M. Balmeo, Jr., and in addition to the team created prior to the March 15ECQ, to investigate: 1. The purchase of 100 thousand test kits by the Department of Health; and 2. News reports re: use of UP invented test kits,” ani Martires.

Ipinag-utos din ni Martires ang pagbuo ng dalawang investigating team na mag-iimbestiga sa delayed procurement ng Physical Protective Equipment (PPE) at iba pang medical gears para maproteksyunan ang mga healthcare workers; lapses at iregularidad na nagresulta sa pagkamatay ng mga medical workers; kawalan ng aksyon sa pagproseso at pagpapalabas sa benepisyo at tulong pinansyal sa mga health workers na namatay at nahawa ng coronavirus disease; at pagkalito at huling pagpapalabas ng ulat kaugnay ng mga namatay at kumpirmadong kaso ng COVID-19.

“A few weeks prior to the lockdown of March 15, the Office of the Ombudsman through its Field Investigation Office started to conduct of an investigation BUT our investigators were given a runaround by some DOH officials and personnel by referring us from one department or office to another.”

Ang Joint Investigation Team ay binigyan ng kapangyarihan ni Martires na maghain ng kasong kriminal at administratibo sa mga sangkot sa anomalya at iregularidad at mga opisyal o empleyado na magiging balakid sa isasagawa nitong imbestigasyon at sa mga gagawa ng hakbang upang iligaw ang imbestigasyon.

Read more...