ISANG 16-anyos na lalaki na wanted sa kasong kriminal ang nahuli ng pulisya sa Quezon City.
Ang menor de edad ay nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness.
Siya ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Cleto Villacorta, ng Regional Trial Court Branch 229 ng Quezon City.
Inaresto ang suspek alas-2 ng hapon sa Ambuklao st., Brgy. Baesa.
Samantala, inaresto naman si Kim Rivera, 23, ng Brgy. San Bartolome, Novaliches ng Novaliches Police Station alas-3 ng hapon sa S. Francisco st., Brgy. San Bartolome, Novaliches.
Hinuli siya sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Roslyn Rabara-Tria sa kasong Violence Against Women and their Children Acts of 2004.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.