Rhian, Glaiza binalikan ang pagiging lesbian lovers: Hindi siya naging madali

BINALIKAN nina Glaiza de Castro at Rhian Ramos ang matinding challenge na hinarap nila nang bumida sa isang LGBTQ series ng GMA 7.

Hindi naging madali para sa dalawang Kapuso actress ang gumanap na lesbian lovers sa “The Rich Man’s Daughter” na ipinalabas noong 2015. Talagang piniga sila nang husto para mas maging makatotohanan ang bawat eksena nila.

Tampok sa Pride Month special ng GMA Artist Center online show na “How Do You Feel? Usapang Artista” ang Kapuso stars na gumanap ng LGBTQ characters na sina Glaiza, Rhian, Tom Rodriguez, Divine Tetay, at Ricky Davao. 

 

Hosted by Chynna Ortaleza, ibinahagi nga nila ang kanilang mga ginawang paghahanda para sa kanilang mga karakter at kanilang realizations sa pagganap sa mga ito. 

 

Ikinuwento ni Glaiza na iba’t ibang resources ang kanyang inaral sa kanyang pagganap bilang Althea sa 2015 series na “The Rich Man’s Daughter.” 

 

“I was trying to interview people, ask about saan ba sila nanggagaling? Paano ba nila na-identify o nayakap ‘yung sarili nila? 

“Una, siyempre, bilang mga aktor, ine-emulate muna natin ‘yung mga nakikita natin sa mga movies or sa series so during that time, umeere ‘yung ‘Orange Is The New Black.’ 

“Kung kakayanin ko raw panoorin ‘yung ‘Blue Is The Warmest Color,’ panoorin ko raw,” aniya. 

 

Inamin naman ni Rhian na hindi siya handa noong tinanggap niya ang role ni Jade sa nasabing serye. 

Paliwanag niya, “I really learned the entire approach and the attack that I wanted to take from being on set with everyone helping me and guiding me. 

“I didn’t have any kind of preparation for it. I felt unprepared and those feelings helped my character because of all of the confusion and the insecurity I was going through.

“Nakadagdag siya doon sa nararamdaman ni Jade na so many changes were happening to her emotionally. She didn’t know that she was a lesbian until she met Althea,” lahad pa ng aktres.

 

Mapapanood naman ang second part ng “Beyond Gender” ngayong Sabado, 8 p.m.sa GMA Artist Center YouTube channel at GMA Network Facebook page.  

Read more...