Sharon awang-awa kay Mommy Pinty: Iwan n’yo na si Alex, aampunin ko po kayo! 

ALIW na aliw ang mga fans and social media followers ni Megastar Sharon Cuneta sa ginawa niyang “pambabasag” kay Alex Gonzaga.

Viral ngayon ang video ni Shawie kung saan sinabihan niya ang nanay nina Alex at Toni Gonzaga na si Mommy Pinty na lumayas na sa bahay nila at doon na lamang tumira sa kanila. 

Sa nasabing video message na ni-repost ni Alex sa Instagram, sinabi ni Mega na palagi niyang pinanonood ang mga video ng TV host-vlogger sa YouTube, lalo na ang ginagawang pagpa-prank ng dalaga kay Mommy Pinty.

“Catherine, pwede mo itong i-post kung gusto mo. Pwede mo ring hindi. Pero itong message na ‘to ay para kay Mommy Pinty kasi pinapanood ko ‘yung vlogs mo,” simulang chika ni Sharon sa video.

“Awang-awa na ako sa kanya. Matagal na akong walang mommy. Nu’ng una iniisip ko ikaw ang ampunin ko Alex. Pero habang tumatagal, nu’ng pinapanuod ko ‘yung vlogs mo, Mommy Pinty, pwede ko po kayong ampunin. Kayo na po ang tumayong nanay ko,” patuloy pa niya.

Hirit pa ng singer-actress, “Aalagaan ko po kayo. Napakabuti ko pong anak. Wala po kayong kunsumisyon sa akin. Hindi ko po kayo ipa-prank. Aalagaan ko po kayong parang reyna. 

“Pwede niyo na ring pong isama si Daddy. Iwanan niyo na po ‘yung anak niyong ‘yan dahil naawa na po ako sa inyo. Nandito po ang bahay namin, bukas. May extra room po ako rito kung sawa na po kayo diyan sa anak niyo. Mommy Pinty I feel for you.” 

Hugot pa niya, “Even if I love Alex and Toni, I know they’ll understand — especially Toni. But Mommy, you’re such an internet sensation. Sobra Alex. Parang mamamatay ako sa mga vlogs mo. Para kang loka-loka. 

“Mommy Pinty, my home is open to you. Even Daddy, okay? Anytime. May God bless you, Mommy Pinty. May He give you more patience,” sey pa ni Sharon.

Tuwang-tuwa naman si Alex at super touched dahil talagang nag-effort si Sharon na gumawa ng video para sa kanyang nanay na aniya’y isa ring certified Sharonian. 

“‘Yung si Megastar Sharon ang may shoutout kay Mommy Pinty! Di ito maari! Isang magandang balita para sa aming pamilya na ang isang Sharonian ay kilala at pinapanood ng kanyang idol! 

“Ang matindi nito ka-whatsapp ko pa si Mamshi shawie! We love you @reallysharoncuneta @mommypinty,” caption ni Alex sa video ni Mega. 

Read more...