Docu special ni Jake Zyrus winner sa US film & video festival

WINNER sa 50th US International Film and Video Festival si Jake Zyrus.

Sumakto pa sa selebrasyon ng pride month ang pagkakapanalo ng singer sa nasabing international film and video festival sa Amerika para sa kanyang documentary special.

Wagi si Jake ng Golden Camera award para sa self titled docu film na “Jake and Charice” na ipinalabas sa Japan noong 2019.

Sa pamamagitan ng official Facebook page ni Jake, ibinandera ng kampo ng proud LGBTQ member ang panibagong karangalan na naiuwi ng singer para sa Pilipinas. 

Magandang pambalanse nga naman ito sa kinakaharap na krisis ng bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

“Congratulations Jake Zyrus and to the whole team for winning the Gold Camera award in US INTERNATIONAL FILM AND VIDEO FESTIVAL for his documentary aired in Japan last November 2019. 

“Thanks to all the people behind the success. Our heart is beyond grateful,” ang nakalagay na caption sa nasabing FB post.

Sigurado namang alam na ng publiko kung saan nanggaling ang titulong “Jake and Charice” ng kanyang docu special na tumatalakay nga sa naging buhay ni Charice at ni Jake Zyrus bilang transgender man.

Ang documentary tungkol kay Jake  ay internationally produced ng mga Japanese na sina Shin Yasuda, Akiko Tabakotani, Keiko Tsuneki, Kenji Hyodo at direktor na si Hiroko Ninomiya.

Nakatuwang din nila sa production  ang NHK (Japan Broadcasting Corporation), Tokyo NHK Documentary Japan at NHK Enterprises at ABS-CBN.

Kasalukuyan nang pinaplano ng talent management ni Jake kung paano naman maipalalabas dito sa Pilipinas ang kanyang award-winning documentary special. Kaya abangers muna ang mga loyal fans ni Jake Zyrus for now.

Read more...