Online service sa passport mananatili

passport

PARA iwas hawa sa coronavirus disease (COVID-19), sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mananatili pa rin ang Passport Online Appointment System (PAS) at pagpapa-deliver ng pasaporte sa mga applikante.

Idinagdag ng DFA na maaari ring magbayad online ng passport processing fee at courier fee.

Niliwanag ng DFA na may opsyon  pa rin naman ang mga aplikante na kunin sa consular office ang kanilang pasaporte.

Inirekomenda naman ng DFA na mag-avail na lamang ng courier service sa harap ng patuloy na banta ng COVID-19.

Read more...