397 opisyal ng barangay nasampahan ng reklamo kaugnay ng anomalya sa SAP

SAP

UMAKYAT na sa 397 opisyal ang barangay ang nasampahan ng reklamo kaugnay ng mga anomalya sa pamimigay ng social amelioration program fund.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) naisampa na ang mga reklamo sa Prosecutor’s Office ng Department of Justice.

“A total of 663 individuals have been subjected to investigation by the PNP-CIDG, 267 of these are elected barangay officials and some are local government officials. The rest, 396, are other government employees or civilian accomplices of those elected local officials. Of the total 663 individuals, so far, we have filed criminal cases against 397 of them,” ani DILG Secretary Eduardo Año sa isang pahayag.

Patuloy umano ang isinasagawang case buildup ng PNP-CIDG sa 67 pang reklamo at lima ang inaasahang maisasampa sa piskalya bago matapos ang linggo.

“Corruption is like COVID 19. It is a disease that needs to be stamped out before it infects more people. And so long as it’s there, the DILG and the PNP will not stop until we have charged each and every individual involved in anomalous SAP transactions,” ani Año.

Pinuri naman ni Año ang 460 naghain ng reklamo laban sa mga opisyal ng barangay at nangako na itutuloy ng DILG ang pag-usig sa mga ito.

Umaasa naman si DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na mas magiging maayos ang pamimigay ng ikalawang tranche ng SAP.

Read more...