2 todas sa kidlat, 4 kritikal

DALAWA katao ang nasawi at apat na iba pa ang nasugatan makaraan silang tamaan ng kidlat sa magkahiwalay na insidente kahapon sa Ilocos Sur at Ilocos Norte.

Kinilala ang isa sa namatay na si Fernando Tabin, 70, residente ng Brgy. Naglaoa-an, Santo Domingo, Ilocos Sur.

Nasa loob ng bahay ang biktima, kanyang asawa at kanilang apo nang bumuhos ang malakas na ulan alas-4 ng hapon.

Sa gitna ng ulan ay tinamaan ng kidlat ang bahay at napuruhan si Tabin at ang kanyang maybahay. Nasawi ang biktima habang ginagamot sa ospital ang babae. Hindi naman tinamaan ang kanilang apo, ayon sa ulat.

Nasa gitna naman ng bukid ang apat na magkakaibigan nang tamaan ng kidlat sa Brgy. Darasdas, Solsona, Ilocos Norte, alas-3:30.

Namatay ang isa sa magkakaibigan habang ginagamot sa ospital ang tatlo na nagtamo ng mga sunog sa katawan.

Read more...