KC masaya na uli ang puso: Thank you Lord, kinikilig ako!

KC

SINO nga kaya ang lalaking tinutukoy ni KC Concepcion na nagpapakilig sa kanya ngayon?

Inamin ng singer-actress na inspired at masaya ang estado ng kanyang puso ngayon pero wala siyang binanggit kung totoo ang chika na may bago na siyang boyfriend.

Aniya, nagpapasalamat siya sa Diyos dahil nakakaramdam na uli siya ng kilig, “Kung sa heart, okay naman ako.

“I mean, may mga kausap ako and, thank you Lord, di ba, na kinikilig ako,” pahayag ni KC sa online talkshow ni Toni Gonzaga na “I Feel U”.

Ayon kay KC, isang serious relationship na ang hanap niya ngayon, yung pang-forever na, “Kasi siyempre, ang hanap natin ngayon, yung medyo mas deeper.”

“Hindi na yung for play-play. Sasabihin ko sa inyo pagdating ng time,” lahad pa ng dalaga. Pero hindi na nagbigay ng detalye si KC tungkol sa taong nagpapakilig sa kanya ngayon.

Pero kung matatandaan, na-link ang anak ni Megastar Sharon Cuneta sa member ng grupong Black Eyed Peas na si Apl.de.ap. May chika na nagkakabutihan na raw ang international singer at si KC nang muling magkasama sa ilang events.

Pero hanggang ngayon ay wala pa ring inaamin o dinedenay ang dalawang celebrities tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ang huling boyfriend ni KC ay ang French filmmaker-businessman na si Pierre Emmanuel Plassart. Walang diretsahang sinabi si KC na natapos na ang relasyon nila ni Pierre pero base sa mga post ng aktres sa social media, mukhang hindi rin sila meant to be ng nasabing filmmaker.

Ang iba pang lalaking naging bahagi ng buhay ng dalaga ay sina Piolo Pascual, Aly Borromeo, Rico Blanco, Paulo Avelino at Lino Cayetano.

Read more...