3 drug suspect patay sa buy-bust

TATLONG drug suspect ang napatay nang makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa Calaca, Batangas, kagabi.

Napatay ang pakay ng buy-bust na si Paolo Jhonnel Camantigue at ang dalawa niyang kasabwat, ayon sa ulat ng Batangas provincial police.

Isinagawa ng iba-ibang unit ng pulisya ang operasyon sa Sitio Matala, Brgy. Cahil, dakong alas-8:30.

Nakutuban umano ng grupo ni Camantigue na mga pulis ang bibili sa kanila ng P6,200 halaga ng shabu kaya pinaputukan ang mga ito habang palapit sa kanilang Mitsubishi Montero (AAP-4056).

Dahil dito’y gumanti ang mga operatiba, hanggang sa mapatay ang tatlo, ayon sa ulat.

Nakuhaan ang mga napatay na suspek ng tatlong baril at isang granada.

Read more...